Guro ng Ateneo, binaril sa Marikina, patay

 

Patay sa pamamaril ang isang guro ng Ateneo de Manila High School, Lunes ng gabi sa Marikina City.

Base sa sinabi ng mga testigo, naganap ang pamamaril sa biktimang kinilalang si Emmanuel Jose Pavia, pasado alas-7:00 ng gabi ng Lunes sa kaniyang tahanan sa Dela Costa St., Barangay Barangka sa Marikina.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo si Pavia na naging dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Dinala pa siya sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival.

Nagsasagawa naman na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa kung ano ang motibo sa pag-patay at kung sino ang lalaking namaril sa guro.

Read more...