Pulis Caloocan na nakipagbarilan sa mga kabaro, patay

 

Isang suspindidong pulis ang pinakahuling tumimbuwang sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang sa Caloocan City.

Sa paunang impormasyon, kinilala ang napatay na si PO2 Roberto Cahilig, nakatalaga sa District Anti-Illegal Drugs ng Northern Police District.

Diumano pinuntirya si Cahilig ng knayang mga kabaro na nagpapatupad ng Oplan Tokhang sa bahay nito sa Tala district.

Nang mapansin ang mga pulis, pinaputukan na umano sila ni Cahilig kaya’t siya ay ginantihan.

Narekober sa napatay ang dalawang sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at ang kanyang 9mm na baril.

‘Diumano, kilalang drug pusher sa kanilang lugar si Cahilig.

Read more...