Inanunsyo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde na tatlo mula sa Eastern Police District (EPD) at apat sa Quezon City Police District (QCPD) ang nag-positibo sa iligal na droga.
Bukod dito, magkakaroon pa aniya ng pangalawang announcement ng bilang ng mga nag-positibo na mga pulis mula naman sa ibang distrito.
Ayon pa kay Albayalde, mayroon silang iniimbestigahang isang pulis na sa halip na ihi, tubig lang ang ipinasa para sa drug test.
Kaugnay nito ay tiniyak niya na mas paiigtingin pa nila ang kanilang mga operasyon laban sa iligal na droga sa kalakhang Maynila.
MOST READ
LATEST STORIES