28 mediamen sa Cebu, nagpa-drug test, 3 tumanggi

 

28 mga mamamahayag ang sumalang sa biglaang drug test sa lalawigan na isinabay sa unang command conference ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa Cebu City.

Gayunman, tatlo sa mga nagku-cover na mamamahayag sa okasyon ang tumangging magpasailalim sa drug test dahil sa iba’t-ibang dahilan.

Ayon sa mga nagpa-drug test na mamamahayag, nais lamang nilang makiisa sa kampanya kontra droga ng lokal na pamahalaan at ng Pambansang Pulisya.

Pinuri naman ni Dela Rosa ang ipinakitang hangarin ng mga miyembro ng PNP Defense Press Corps sa Cebu.

Kasabay nito, hinamon ni Dela Rosa ang iba pang mga mamamahayag sa ibang panig ng bansa, partikular ang mga journo na nagku-cover sa Campo Crame na sumalang din sa drug test.

Paliwanag ni Dela Rosa, lahat aniya ng mga miyembro ng lipunan ay dapat magpakita ng suporta sa pinaigting na kampanya kontra droga.

Read more...