Sarado sa media ang courtesy call at tumagal ito ng tatlumpong minuto.
Ayon kay Pia, isang malaking karangalan na makadapuang palad at makausap ang pinakamataas na lider ng bansa.
Natalakay din sa pagpupulong ang posibilidad na ang Pilipinas ang mag-host ng susunod na Miss Universe pageant.
Hindi rin naiwasan ng dalawa napag-usapan ang kanilang mga similarities lalo’t pareho sila galling ng Mindanao. Si Duterte ay galling ng Davao habang si Pia ay galing ng Cagayan de Oro.
May kanya-kanya na rin silang titulo; si Duterte ang first Mindanaoan President habang si Pia ang first Mindanaoan Miss Universe.
Kasama rin sa pagpupulong kanina sina Tourism (DOT) Secretary Wanda Corazon Tulfo-Teo at DOT Undersecretary Katherine de Castro.