Paris Climate Change treaty ‘stupid’, ‘absurd’ – Duterte

 

Hindi kikilalanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makasaysayang Paris Agreement on Climate Change. Tinawag na ‘stupid’ at ‘absurd’ ni Pangulong Duterte ang naturang kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas kasama na ang nasa 200 bansa noong nakaraang Disyembre sa Paris, France.

Giit ni Duterte, hindi makakatulong sa pag-asenso ng bansa ang naturang tratado.

Ipinaliwanag pa nito na ninais pa niyang ‘sipain’ ang hindi pinangalanang ambassador na nagpaalala sa kanya ukol sa Paris Treaty at nang sabihin nito kung kaya ng bansa na panatilihin ang mababang lebel ng ‘carbon footprints’ sa kasalukuyan.

Iginiit ni Duterte na lugi ang Pilipinas sa nais na mangyari ng tratado dahil ngayon pa naaabot ng bansa ang rurok ng ‘industrialization.

Aniya, ang mga bansang tulad ng France ay umasenso dahil sa walang pakundangang industrialization ngunit naging kapalit nito ang pagpapakalat ng mga contaminants sa hangin.

Hindi aniya magiging pantay kung pipigilin ang ‘industrialization’ ng Pilipinas samantalang ang iba na siyang pasimuno ng polusyon ay asensado na.

Hindi rin siya aniya ang lumagda sa naturang kasunduan kaya’t walang dahilan upang siya ay tumalima dito.

Ang Paris treaty ay naglalayong pagtulung-tulungan ng mga bansa na pigilin ang epekto ng global warming sa pamamagitan ng pagbabawas ng polusyon na nagreresulta ng pagtaas ng temperature ng mundo.

Read more...