Main runway ng NAIA, bukas na ulit matapos ang runway closure

 

Inquirer file photo

Muli nang binuksan ang main runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Lunes ng gabi.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, binuksan na ang runway 06/24 o ang main runway ganap na 10:35 ng gabi matapos isailalim sa repair.

Una nang nagpatupad ang mga otoridad sa paliparan ng emergency runway closure dahil sa soft spot na natagpuan sa main runway 06/24 upang maiwasan na masira ang dadaang eroplano dito.

Para mabigyang daan rin ang mga dadagsang flights na na-divert, hindi na muna isasagawa ng MIAA ang kanilang regular runway cleaning na madalas ginagawa ng 1:30 hanggang 3:30 ng madaling araw.

Una rito, dahil sa  nasa 14 international flights ang nakansela dahil sa runway closure.

Marami ring mga eroplano ang na-divert sa Clark International airport dahil sa pangyayari.

 

 

 

Read more...