14 international flights sa NAIA, kanselado dahil sa runway closure

 

Inquirer file photo

Nasa 14 international flights ang tuluyan nang nagkansela ng byahe ngayong araw dahil sa pagsasara ng main runway ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa advisory ng NAIA, naapektuhan ng byahe ang mga flights ng:

UA 183 Guam-Manila
ET 628 Manila-Bangkok
KL 807 MNL-Amsterdam
KL 808 Amsterdam-MNL na dapat sana ay lalapag sa NAIA Temrinal 1; at:

PR 114 MNL-San Francisco
PR 112 MNL-Los Angeles
PR 306 Manila-Hong Kong
PR 307 Hong Kong-MNL
PR 468 MNL-Incheon
PR 469 Incheon-MNL
PR 424 MNL-Haneda na lalapag sana sa Terminal 2, at;

5J 022 MNL-Doha
5J 014 MNL-Dubai
5J039 Manila-Sydney na sa Terminal 3 naman ng NAIA dapat lalapag.

Sa advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA) ipinagpasyang pansamantalang isara muna ang runway 06/24 ng NAIA makaraang matagpuan ang malaking bitak sa aspalto nito.

Upang hindi magdulot ng aksidente, isinara ang naturang runway na ginagamit ng mga malalaking uri ng eroplano.

Hanggang sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang repair sa naturang bitak.

Dahil dito, ilan sa mga eroplanong nakatakdang lumapag sana ngayong araw ang na-divert sa Clark International Airport.

Ang iba naman ay tuluyan nang hindi nakalipad ngayong araw.

Batay sa advisory, dakong alas 11:00 ngayong gabi matatapos ang pagkukumpuni sa natagpuang bitak sa runway.

 

Read more...