Dating Cong. Manny Pacquiao, isang beses lamang pumasok sa huling regular session ng Kamara

(AP Photo/Frank Franklin II)
(AP Photo/Frank Franklin II)

Inilabas ng Mababang Kapulungan ang listahan ng attendance ng mga Kongresista para sa huling regular session ng 16th Congress.

At sa naturang listahan, numero unong absenero si dating Saranggani Rep. at ngayoý Senator Manny Pacquiao.

Mula sa 52 session days noong 3rd regular session o July 27, 2015 hanggang June 06, 2016, isang session day lamang ang dinaluhan nito.

Nabatid na anim na beses na nagpa-alam si Pacquiao na hindi makakapunta sa sesyon.

Si Pacquiao ang maituturing na top absentee, dahil may ilang Kongresista na hindi maaaring dumalo sa sesyon dahil may nakakulong, gaya ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Tinalo nito si dating Negros Occidental Rep. Jules Ledesma, na tatlong beses lamang na dumalo sa sesyon, maging si Davao del Sur Rep. Franklin Bautista.

Matatandaan na noong 1st regular session, o June 22, 2013 hanggang June 11, 2014, walong beses lamang pumasok si Pacquiao sa sesyon, habang noong 2nd regular session ay tatlong beses lamang siyang aktwal na dumalo sa sesyon.

Kabilang naman sa may 39 solons na may perfect attendance ay sina outgoing Speaker Feliciano Belmonte, Akbayan Rep. Barry Gutierrez, Marikina Rep. Miro Quimbo, at dating Majority Leader Boyet Gonzales.

Read more...