Mga klase sa Quezon City, suspendido sa unang SONA ni Pangulong Duterte sa July 25

No classes
Photo from Mayor Herbert Bautista’s FB page

Inanunsiyo ni Quezon City Herbert Bautista ang suspensyon ng mga klase sa lungsod sa susunod na Lunes.

Ito ay kasabay ng kauna-unahang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng kanyang official Facebook account, inanunsiyo ni Bautista ang suspension of classes sa lahat ng antas.

Ang announcement ay naipost ng pasado alas tres at marami na sa mga nakabasa ang nagpasalamat kay Bautista dahil sa maagang pag-anunsiyo.

Sinabi ni QC administrator Aldrin Cuña na ito ay para hindi na maabala ang mga estudyante sa mga aktibidades na may kaugnayan sa ulat sa bayan ng pangulo ng bansa.

Read more...