Napoles, naghain ng not guilt plea sa kasong graft at malversation

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Sa kanyang muling pagharap sa Sandiganbayan ay naghain ng “not guilty plea” si Janet Lim Napoles.

Si Napoles ay kapwa akusado nina dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon at ex-Cong. Rodolfo Valencia sa kasong graft at malversation of public funds.

Ang mga nabanggit na kaso ay may kinalaman sa paglustay umano nina Biazon at Valencia ng kanilang Pork barrel fund gamit ang mga bogus na NGO ni Napoles.

Co-accused nina Napoles, Biazon at Valencia sa nabanggit na kaso si dating Energy Regulatory Commission chair Zenaida Ducut.

Namataan din sa hukuman si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Hindi naman sumipot sa 7th division ng Anti-Graft Court sina Biazon at Valencia dahil may pending motion for judicial determination silang nakahanay sa korte.

 

Read more...