Kamara, puspusan ang paghahanda para sa Duterte SONA

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Tuluy-tuloy ang paghahanda ng Kamara para sa kauna-unahang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte na gagawin sa July 25, 2016.

Lunes ng umaga ay personal na nagtungo sa Batasan Complex sina Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar at award-winning Director Brillante Mendoza upang magsagawa ng ocular inspections, eksakto isang linggo bago ang ulat sa bayan ng Presidente.

Sina Andanar at Mendoza ay sinalubong ng anak ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na si Paola Alvarez.

Kuha ni Isa Umali

Nauna nang sinabi ng bagong speaker of the house na si Cong. Alvarez na simple lamang ang SONA ni Duterte, lalo’t isang simpleng tao lamang ang pangulo.

May mga panukala na rin sa Mababang Kapulungan na huwag nang ilagay ang ‘red carpet’ at iwasan na ang nakasanayang ‘fashion show’ tuwing SONA.

Si Mendoza ay siyang pro-bonong magdi-direk ng SONA ng Presidente.

Inaasahan naman na magpupulong ang Task Force SONA, upang plantsahin na ang security measures at iba pang kailangan para sa okasyon.

 


 

Read more...