Matapos ang clearing operations noong Biyernes, mga manininda sa Blumentritt, Maynila nagsibalikan

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nagsibalikan na ang mga nagtitinda sa kalye ng Blumentritt sa Sta Cruz, Maynila.

Ito ay matapos ang isinagawang clearing operations ng mga tauhan ng Manila City Hall at Manila Police noong Biyernes ng umaga.

Kuha ni Erwin Aguilon

Ngayong Lunes ng umaga, binalikan ng Radyo Inquirer ang lugar mula sa Rizal Avenue hanggang sa makalagpas Leonor Rivera St. at makikita na muli ang mga nagtitinda sa kalye.

Dahil dito, sa gitna na naman ng kalye naglalakad ang mga tao at nagkaroon na naman ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa lugar.

Kuha ni Erwin Aguilon

Makikita sa lugar ang mga nagtitinda ng iba’t ibang mga gamit sa bahay, damit, gulay, prutas, isda at iba pa.

Kahit kinumpiska na ang kanilang mga lamesa, upuan, sabitan ng paninda at iba pa na gamit sa pagtitinda mayroon na namang bago ang mga ito.

Noong Biyernes truck-truck na mga gamit sa pagtitinda ang sinamsam ng mga otoridad sa lugar pero hindi nadala ang mga ito at nagsibalikan sa kalye ng Blumentrit.

 

Read more...