Isa na namang hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa isang iskinita ng St. Paul St. Brgy. San Antonio, Makati City.
Ang mukha ng lalakeng biktima ay balot na balot ng packaging tape gayundin ang kaniyang kamay.
Ang lalake ay nakasuot ng kulay gray na long sleeves at maong na pantalon habang may bakas naman ng dugo ang kanyang damit.
Tinatayang nasa edad na 30 pataas ang biktima at may taas na 5’4 hangang 5’5.
Gaya ng mga ibang nabibiktima ng salvage ay iniwanan ng karatula ang katawan ng biktima na may nakasulat na “pusher at magnanakaw ako ‘wag tularan”.
Sa imbestigasyon ng SOCO, isang tanod ang nakakita sa biktima na una ay inakala na lasing lang ito na nakahiga sa kalsada.
Pero nang lapitan ay nakita na may balot ng packaging tape ang mukha nito kaya agad na pinaalam sa otoridad.