Ito’y makaraang sugurin ng mga miyembro ng rebeldeng grupo sa Armenia ang police station sa Erebuni district sa Yerevan para palayain ng mga otoridad ang kanilang pinuno na si Jirair Sefilian.
Si Sefilian ay naaresto noong nakaraang buwan lamang matapos nitong tangkaing pabagsakin ang gobyerno ng Armenia.
Kinordonan na ng mga pulis ang lugar sa paligid ng nasabing police station.
Ayon sa kanilang National Security Service, nagsasagawa na ng negosasyon sa mga umatakeng armadong kalalakihan para palayain ang kanilang mga hostages.
Ayon naman sa isang mataas na opisyal ng pulis na tumangging magpakilala dahil sa kawalan ng otorisasyon na magsalita tungkol sa isyu, aabot sa 20 ang mga umatake sa pulisya at nasa walo ang hawak nilang hostage.