Kumbento ng St. Joseph Parish sa Tondo, Maynila, nasunog

tondoNatupok ng apoy ang kumbento ng St. Joseph Parish sa Juan Luan St. Gagalangin, Tondo sa lungsod ng Maynila.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil yari sa kahoy ang kumbento na nagsisilbing tirahan ng mga pari sa naturang parokya.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na nag-umpisa sa ikalawang palapag.

Tinatayang isandaang libong piso ang halaga ng pinsala.

Wala namang nasaktan sa insidente at hindi rin naapektuhan ang pang-umagang misa.

Gayunman, sa kasagsagan ng pag-apula sa apoy , nanakawan ang isa sa mga pari.

Ayon kay Father Dominic Ngo Anh Quoc, isang Vietnamese, nawalan siya ng nasa 50,000 pesos cash, laptop, cellphone at ilang piraso ng Vietnamese dong o currency.

Nasa sa Pilipinas umano siya para mag-aral.

Hindi na rin niya ipina-blotter sa pulisya ang insidente dahil ang mahalaga raw ay ligtas sila sa kumbento.

 

Read more...