Pinagsamang puwersa ng Optical Media Board (OMB) at regional Public Safety Battalion 12 ang nanguna sa pangungumpiska ng mga pekeng DVD at CD sa pampublikong palengke ng bayan.
Umabot sa tatlong daang sako ng iligal na paninda ang nasamsam ng mga otoridad.
Ayon kay OMB chairman Anselmo Adriano, maaari mapatawan ng kasong administratibo o kriminal ang mga nahuling nagbebenta ng mga piniratang palabas.
Paglabag aniya sa Republic Act 9239 o Optical Media Act of 2003 ang nasabing gawain.
Bukod dito, napag-alaman sa ikinasang operasyon ang bentahan ng pornographic movies sa nasabing pampublikong palengke.
Ang mga nakumpiskang kontrando ay nakatakdang dalhin sa Maynila at ang mga nahuling nagbebenta ng mga ito ay padadalhan ng subpoena.