Cherie Mercado ng TV5, bagong DOTC spokesperson

 

Photo for Cherie Mercado's IG account
Photo for Cherie Mercado’s IG account

Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang nagkumpirma na si TV5 news anchor Cherie Mercado ang bagong tagapagsalita ng Department of Transportation and Communications o DOTC.

Ayon kay Tugade, sa oras na maplantsa na ang appropriate clearances at approvals ay maaari nang mag-umpisa sa bagong trabaho si Mercado.

Sa kanyang Instagram account, inihayag na rin ni Mercado na aalis na siya sa TV5 upang maging bahagi ng bagong administrasyon bilang press officer ng DOTC.

Bago pumasok sa TV5, siyam na taong naging host at news anchor si Mercado sa ABS-CBN.

Nauna nang nagresign sa TV5 ang news anchor din nito na si Martin Andanar, para maging pinuno ng Presidential Communications Operations Office.

 

Read more...