Flights papasok sa Istanbul, balik na sa normal

 

 

Balik na sa normal ang flights patungo sa Istanbul International Airport, sa Turkey, matapos na matigil sa loob ng bente-kwatro oras dahil sa kudeta roon.

Karamihan sa national carriers ay may flights na papasok sa Istanbul, pero may ilang airlines pa rin ang piniling maghintay pa ng isang araw upang masubok ang security situation sa lugar.

At taliwas na palagiang ‘busy’ na Istanbul airport, mas tahimik ngayon doon kahit pa may mga stranded na mga pasahero.

Noong kasagsagan ng kudeta, nasa tatlong pagsabog ang narinig mula sa labas ng paliparan.

Ang mga pasaherong nasa airport ay iniwasang lumabas dahil sa takot na madamay sa tension.

Batay naman sa ilang report, bagama’t balik na sa normal ang flights sa kalangitan ng Instanbul, mayroon umanong limang F-16 ang nagpa-patrol sa airspace bilang bahagi ng pagsisiguro ng seguridad.

Sumiklab ang gulo sa Turkey matapos na magkudeta ang kanilang military.

Sinabi ng Turkish military na nakubkob na nila ang pamahalaan pero naninindigan si President Recep Tayyip Erdogan na manatili sa pwesto.

 

 

 

Read more...