Ipinanukala ng Department of Education (DepEd) sa kasalukuyang pamahalaan ang mandatory drug test sa lahat ng mga mag-aaral sa mga pribado at pampublikong eskwelahan sa buong bansa.
Pero dahil sa kakapusan sa budget, sinabi ni DepEd Asec. Jesus Mateo na uunahin muna nila ang random drug test sa mga mag-aaral.
Sa panayam, sinabi ni Mateo na mahalagang mabantayan ang kaligtasan ng mga bata sa droga para sa mas maayos nilang paglaki at kaligtasan na rin ng lipunan.
Ipinaliwanag rin ng opisyal na sinimulan na nila ang serye ng mga anti-drug abuse program para mas higit na maintindihan ng mga kabataan ang masamang dulot ng droga sa kanilang sarili.
Idinagdag pa ni Mateo na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agencies para sa monitoring ng mga sindikato na posibleng gumagamit ng mga kabataan sa kanilang illegal drug trade.