Umani ng mga negatibong reaksyon sa social media ang panukala ng beteranong singer at songwriter na si Freddie Aguilar kaugnay sa problema sa Torre de Manila.
Sinabi ni Aguilar na madaling masolusyunan ang problema kung pagpapalitin ng pwesto ang bantayog ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal at ng dalawang kalabaw sa bahagi ng Luneta Park.
Si Aguilar ang napipisil ni Pangulong Rodrigo Duterte para pamunuan ang National Commission for Culture and the Arts (NCAA).
Ipinaliwanag ni Aguilar na dapat ay nakaharap sa mga tao ang rebulto ni Rizal para hindi na problemahin pa ang pagiging “photobomber” ng Torre de Manila.
Nauna nang itinalaga ni Duterte si Rj Jacinto na siyang nag-composers ng ilang sa kanyag mga political jingle bilang bagong presidential adviser on economic affairs at ang singer na si Jimmy Bondoc bilang isa sa mga assistant vice president ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).