Suspected drug lord na si Peter Lim humarap kay Duterte

Peter lim
RTVM

Nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Cebu-based Pinoy-Chinese businessman na si Peter Lim na umano’y isa sa mga top drug personalities na nagsasagawa ng operasyon sa bansa.

Naganap ang pagpupulong ng dalawa sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Davao City.

Sa naturang pagpupulong, inatasan ng pangulo si Lim na magtungo sa mga otoridad para sumailalim sa imbestigasyon at mapatunayan kung siya o hindi ang Peter Lim na tinutukoy ng pangulo na kabilang sa drug triad.

Nangako naman si Lim na makikipagtulungan sa mga otoridad para malinis ang kanyang pangalan.

Ayon kay lim, apektado na ang kanyang pamilya matapos ihayag ng pangulo na isang Peter Lim ang isa sa mga top drug lord sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Lim na isa siyang lehitimong dealer ng mga sasakyan at matagal na siyang nakatira sa Cebu.

Kanya ring ipinaliwanag na hindi niya kakilala si dating Philippine National Police Gen. Marcelo Garbo na sinasabing kabilang sa mga opisyal na protector ng illegal drugs sa bansa.

Sa isang pamayam, sinabi naman ni dating PNP General at ngayo’y Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot na kaibigan niya at kumpare si Lim.

Sa record ng Comelec, 110 ang may pangalang Peter Lima na nakabase sa lalawigan ng Cebu.

Pero tulad ni Lim, mariin ding itinanggi ni Loot na sangkot siya sa anumang uri ng drug trade sa bansa.

Read more...