Dumulog ngayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Vilatiano Aguirre ang mga abogado at tagasuporta ng tinaguriang “Haran 15”.
Ayon kay Atty. Manuel Quibod, pinaunlakan sila ng dayalogo ni Aguirre kung saan hiniling nila sa kalihim na muling mapag-aralan ang kaso ng labinlima.
Ang hakbang ay sa kabila ng nakabinbing kasong kidnapping at serious illegal detention sa korte laban sa mga ito.
Ang “Haran 15” ay inakusahan ng pagdukot at pagditene sa nasa 700 evacuees matapos umanong pigilan ng mga ito na makalabas ng United Church of Christ sa Haran, Davao.
Ang “Haran 15” ay kabilang sa mga supporters ng grupo ng mga Lumad at Progresibong organisasyon na napilitang lumikas mula sa Talaingod at Kapalong Davao Del Norte at San Fernando Bukidnon patungong United Church of Christ in The Philippines o UCCP sa Haran Davao noong 2015.