Mga Pinoy sa France, pinag-iingat

nice, France Reuters Photo Eric Gaillard
Reuters Photo / Eric Gaillard

Pinayuhan ang mga Pinoy na naninirahan sa France partikular na sa lungsod ng Nice na maging maingat matapos ang pag-atake sa selebrasyon ng Bastille Day na ikinasawi ng hindi bababa sa 80 katao.

Ayon kay Philippine consul general to Paris Aileen Mendiola-Rau, pinayuhan na ng mga otoridad sa France ang mga tao na manatili sa loob ng bahay at umiwas sa matataong lugar.

Sa ngayon sinabi ni Rau na wala pa namang napapaulat na may Pinoy na kasama sa mga nasawi o nasugatan.

Ang mga turistang Pinoy na nasa Nice ayon kay Rau ay ligtas at nasa kani-kanilang mga hotel.

Gayunman, hinihintay pa nila ang listahan ng mga pangalan at nationality ng mga nasawi at nasugatan mula sa French government para matiyak na walang Pinoy na nadamay.

 

Read more...