400 na sangkot sa illegal drugs sa Olongapo, sumuko

Photo from Olongapo City PIO
Photo from Olongapo City PIO

Sumuko sa lokal na pamahalaan at sa mga pulis ang 400 na sangkot sa illegal na droga sa Olongapo City.

Pinagunahan ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino ang pagpapanumpa sa mga nagsisuko.

Paalala ni Paulino sa mga sumuko, iwasan nang balikan ang kanilang ilegal na gawain. “Do not make this activity as your passport in doing wrong again, make true to your word and refrain from dealing with illegal drugs,” ayon kay Paulino.

Ayon naman kay Police Senior Supt. Jerry Sumbad, OIC ng Olongapo City Police Office bukas ang Olongapo City police sa mga nais magbagong buhay.

Maari aniyang magtungo sa mga barangay o police station ang mga nais na kusang sumuko.

May nakalaan na livelihood program ang lokal na pamahalaan sa mga sumuko para matulungan silang magbagong buhay.

Kabilang dito ang pagtatahi ng eco bag lalo pa at mahigpit nang ipinagbabawal sa lungsod ang plastic.

Tiniyak naman ni Sumbad na may kalalagyan ang mga user at pusher sa lugar na hindi susuko.

 

Read more...