WATCH: 3 estudyante sugatan, matapos araruhin ng truck sa Maynila

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Tatlong college students na pawang naglalakad lamang sa bangketa sa bahagi ng Concepcion Aguila Street sa Maynila ang sinagasaan ng rumaragasang truck.

Kuha ni Richard Garcia

Pinakamalubhang nasugatan si Clarence Rey Ocampo, engineering student ng Technological Institute of the Philippines (TIP) na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Sugatan din ang dalawang babaeng estudyante ng National Teachers College na sina Daphnie Lorenzo at Mica Francisco na kapwa dinala sa Mary Child Hospital.

Sa kuha sa CCTV ng Brangay 389 Zone 20, kitang-kita na habang naglalakad ang tatlong nasugatang estudyante ay biglang dumating ang truck na may kargang mga sako ng buhangin at sinagasaan ang mga nasa bangketa.

Agad ding lumabas ang mga kagawad ng Barangay para tignan ang nangyari at nakita nilang nakapailalim na sa gulong ng truck si Ocampo.

Sinabihan pa umano ng isang kagawad ang driver na nakilalang si alyas Raffy na ikambyo ang truck para maialis sa pagkakaipit sa gulong ang biktima.

Matapos ito ay bumaba sa truck na may plate number na WAP 148 ang driver at mabilis na tumakas.

 


 

 

Read more...