7 bayan sa Pampanga dose oras na mawawalan ng kuryente bukas

brownout-0319Mahigit dose oras na mawawalan ng suplay ng kuryente bukas ang pitong bayan sa lalawigan ng Pampanga.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) magsisimula ang power interruption alas 6:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 6:30 ng gabi, bukas July 16, araw ng Sabado.

Apektado ng power interruption ang mga bayan ng Guagua, Bacolor, Sasmuan, Sta. Rita, Porac at Lubao, gayundin ang mga Barangay Anon, Gutad, MAwacat at Palmayo Resettlement sa bayan ng Floridablanca.

Ayon sa NGCP, magsasagawa sila ng re-conductoring at stringing ng conductors sa mga poste ng kuryente mula post number 131 hanggang 146 sa Phase B at C ng Hermosa – Guagua line.

 

Read more...