Mga tauhan ng Manila City Hall, nagsagawa ng clearing operations sa Blumentritt

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Richard Garcia

Nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng Manila City Hall sa bahagi ng Blumentritt sa Sta. Cruz, Maynila.

Inumpisahan ang paglilinis sa sa bahagi ng Rizal Avenue kung saan kinumpiska ang mga gamit ng mga nagtitinda na nasa ipinagbabawal na lugar.

Kuha ni Richard Garcia

Richard Garcia

Truck-truck na mga upuan, lamesa at lalagyan ng paninda ang binitbit ng mga tauhan ng City HAll.

Ayon kay Che Borromeo bahagi ito ng kanilang isinasagawang paglilinis sa mga kalye sa Maynila upang maayos na madaanan ng mga sasakyan.

Nauna nang nilinis katuwang ang mga tauhan ng Manila Police District at Bureau of Fire Protection ang Divisoria at Pedro Gil sa Malate Maynila.

 

Read more...