Dating Sen. Helena Benitez, pumanaw sa edad na 102

 

Inquirer file photo

Pumanaw na ang beteranang guro at dating Sen. Helena Benitez na chairman din ng Philippine Women’s University (PWU) sa edad na 102.

Kinumpirma ito ng mga sources na malapit kay Benitez na noong June 27 lang ay nagdiwang pa ng kaniyang kaarawan.

Nanilbihan bilang senador si Benitez mula 1968 hanggang 1972, at gumawa ng mga batas na may kaugnayan sa edukasyon, kabataan, pamilya, pabahay at para sa kalikasan.

Nakatanggap siya ng maraming mga parangal mula sa pamahalaan at nongovernment agencies para sa kaniyang mga tulong sa edukasyon, isyu sa mga kababaihan, kalikasan at iba pa.

Read more...