Dating pulis, patay sa pagpalag umano sa mga kabaro sa QC

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang dating pulis sa ginawang responde ng Quezon City Police District Station 3 sa Pantabangan st. cor. Agus Gate, NAPOCOR village, Brgy. Tandang Sora Quezon City kagabi.

Kinilala ni QCPD Station 3 Commander PSupt. Victor Pagulayan ang suspek na si PO3 Cesar Obligacion na nasawi matapos na manlaban sa mga pulis.

Ayon kay PSupt. Pagulayan, nakatanggap sila ng tawag na nakikipag-transaksyon ng bawal na gamot si Obligacion sa lugar, kaya agad silang nagsagawa ng operation sa lugar at naaktuhan nila ang suspek na nasawi. Habang nakatakas naman ang isa pang suspek na ka-transakyon nito.

Sabi pa ni Pagulayan na gun runner at pusher ang raket ng Obligacion, habang sangkot din ito sa pagpatay sa dalawang pulis sa Caloocan nung taong 2013.

Maliban sa kanyang motorsiklo nakuha din sa suspek ang .45 caliber na hawak pa ng suspek.

Ilang gramo din ng shabu ang nakuha sa bulsa ng suspek.

Read more...