3 Marines, patay sa pamamaril ng mga hinihinalang ASG

Photo from Josephine Codilla-Radyo Inquirer contributor
Photo from Josephine Codilla-Radyo Inquirer contributor

Patay ang tatlong Marines matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf group sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Maj. Filemon Tan Jr., kumukuha lamang ng mga supplies ang mga sundalo ng Field Artillery Battalion ng Marine Battatlion Landing Team 10 (MBLT10) sa Brgy. Manilop, Indanan nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek.

Bigo namang mahabol ng mga rumespondeng sundalo ang mga suspek na agad na nag-pulasan at tumakas.

Dinala na sa Camp Gen. Teodulfo Bautista sa bayan ng Jolo ang mga labi ng mga sundalong hindi pa muna pinangalanan.

Read more...