
METRO MANILA, Philippines — Nagbabala si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito sa mga posibleng masamang epekto ng pagbawas ng pondo sa 2026 ng Department of Transportation (DOTr).
Partikular na binanggit ni Ejercito ang Metro Manila Subway at North-South Commuter Railway (NSCR) projects.
Nangangamba ang senador na kapag binawasan ang pondo ng dalawang proyekto ay lalo lamang magtatagal ang paggawa at pagtatapos sa mga ito dahil sa posibilidad na masuspindi ang mga trabaho.
BASAHIN: Pilipinas, Japan pumirma sa 2nd tranche ng loan package para sa Metro Manila Subway Project
Ngunit tiniyak ni Sen. Sherwin Gatchalian, ang namumuno sa Senate finance committee, na hindi mangyayari ang pinangangambahan ni Ejercito dahil sa unang kalahati pa lamang ng 2026 ay ilalabas na ang pondo para sa dalawang proyekto.
Ayon kay Gatchalian may P48 bilyon na inilaan para sa NSCR project at P34 bilyon naman sa subway project