Pilipinas, Japan pumirma sa 2nd tranche ng loan package para sa Metro Manila Subway Project
Napirmahan na ang karagdagang JPY253 billion o katumbas ng P116 bilyong loan package para pondohan ang unang underground railway sa bansa.
Araw ng Martes, July 27, 2021, pinirmahan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. at Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko ang exchange of notes for the official development assistance (ODA) loan.
Ang second tranche ng ODA loan ng naturang proyekto, na may interest rate na 0.10 porsyento per annum, ay may 40 taon para bayaran, at mayroong 13 taong grace period.
“The Metro Manila Subway will be a shining monument, better yet a state of the art working system attesting to the deep friendship between the Philippines and Japan. Japan holds a pre-eminent role in our government’s infrastructure development agenda, which is a priority of President Duterte’s administration,” pahayay ni Locsin.
Pinuri rin ng kalihim ang pagsusumikap ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matiyak na magiging matagumpay ang proyekto.
“This year marks the 65th Anniversary of the normalization of Diplomatic Relations and 10th Anniversary of Strategic Partnership between Japan and the Philippines,” ani Koshikawa at dagdag nito, “This signing will deepen and strengthen the cooperation and partnership of both countries, and I am happy to sign this Exchange of Notes today.”
Magkakaroon ang 33-kilometer Metro Manila Subway Project ng 17 stations.
Mula sa isang oras at 10 minuto, layon nitong mapaigsi ang oras ng biyahe mula North Avenue sa Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa 35 minuto.
Babagtasin nito ang Valenzuela, Quezon City, Pasig, Makati, Taguig, Parañaque at Pasay.
Maaring umabot ang inisyal na kapasidad nito hanggang isang milyong pasahero kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.