Makikita na ngayon sa EDSA partikular sa Trinoma Northbound ang bagong billboard ng Radyo Inquirer.
Kinatatampukan ng mga pangunahing anchors at reporters ng istasyon ang nasabing billboard.
Dalawang billboard pa lamang ang makikita sa partikular na lugar ngunit asahan na sa mga susunod na araw ay maitatayo at ikakalat na rin sa kahabaan ng EDSA ang mga ito.
Bukod pa dito, ang mga nauna nang billboard ng Radyo Inquirer ay makikita pa rin sa Fisher Mall, Robinsons Magnolia at Quezon Avenue, kanto ng EDSA sa Quezon City.
Sa pakikipagtulungan naman ng HDI Admix, una nang inilunsad ng Radyo Inquirer ang “Balita sa Kalsada” sa tatlong LED screen sa EDSA sa bahagi ng Camp Aguinaldo.
Tampok sa bagong billboard ng Radyo Inquirer ang mga anchors na sina Jake Maderazo (Station Manager), Arlyn Dela Cruz (News Director), Chito dela Vega, Den Macaranas, Ira Panganiban, Dona Dominguez, Jay Dones, Aida Gonzales, Len Montaño, Jimmy Tamayo, Reysie Amado, Brenda Domato, Tere Gonzales, Susan K, Jupiter Torres, Fernan de Guzman at ang mga reporters na sina Ricky Brozas, Chona Yu, Alvin Barcelona, Isa Avendaño-Umali, Ruel Perez, Erwin Aguilon, Jong Manlapaz at Jan Escosio.
Mapapakinggan ang Radyo Inquirer araw araw sa inyong 990khz AM band at sa livestreaming na www.ustream.tv/channel/dziq.
Bukod sa mapapakinggan, mapapanood na rin ang inyong Radyo Inquirer 990 sa DTT Free TV digiboxes, Channel 16 or 18 sa ABS CBN black box, Channel 9 sa RCA at Channel 23 sa iba pang boxes.
Hanapin lamang ang Inquirer 990 TV sa inyong mga Beam Channel.
Maaari din i-download ang Radyo Inquirer Mobile App sa Google Play kung ikaw ay Android uset at sa App Store kung ikaw naman ay IOS user.
Lahat ng ito ay bahagi ng sinimulang pagbabago ng himpilan ng “Balanseng Pagbabalita, Walang Takot na Pamamahayag”, ang Radyo Inquirer Nueve Noventa.