Bagaman hindi pinangalanan ni PDEA Director Isidro Lapeña ang opisyal ng PDEA, iniimbestigahan umano ang mga ito dahil sa pagre-recycle ng illegal drugs.
Ang pahayag ay ginawa ni Lapeña kasabay ng pagsusunog ng mahigit 400 kilo ng illegal na droga sa Integrated Waste Management facility sa Trece Martires Cavite.
Pinangunahan ni Lapeña at ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang kauna-unahang pagsusunog ng illegal drugs sa ilalim ng Duterte administration at pinakamalaki umano sa kasaysayan ng PDEA .
Aabot sa 400 na kilo o aabot sa P1.77 billion na halaga ng shabu, liquid shabu, cocaine, marijuana, ketamine, epehedrine at mga expired na gamot ang isinalang sa incinerator sa Cavite.