Dalawang bagong silang na tigre, ipinangalan kina President Duterte at VP Robredo

Malabon ZooIpinangalan kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo ang dalawang bagong silang na tigre sa Malabon Zoo.

Ang dalawang tiger cubs na kapwa dalawang buwang gulang na ay Huwebes lamang ng umaga inilabas sa publiko.

Tatawagin silang “Duterte” at “Leni”.

Ang nasabing mga bagong silang na tigre ay anak ng Bengal tigers na sina Tiger Cory at Tiger Ninoy.

Ayon kay Manny Tangco, ang may-ari ng zoo, ang mga tigre sa Zoo ay ipinapangalan nila sa mga pulitiko at mataas na lider ng bansa bilang simbolo ng pag-asang magkaroon ng tiger economy ang Pilipinas.

Mayroong labingdalawang Bengal tigers sa Malabon Zoo.

 

 

Read more...