Naglabas ng president at vice president edition ng Barbie ang kumpanyang Mattel.
Ang president at vice president edition ng naturang iconic doll ay layong mahikayat ang mga kababaihan sa buong mundo na maging lider ng bansa.
Noong 1992 naglabas na ng presidential edition ang Mattel, pero ngayon ang unang pagkakataon na naglabas silang all-female ticket.
Ayon kay Lisa McKnight, general manager at senior vice president ng Barbie for Mattel, nais nilang maging expose ang kababaihan sa matataas na posisyon na maitituring na underrepresented ang mga babae.
Sa datos kasi, 39% lamang nga mga babae sa mundo ang nagsabing nais nilang maging lider.
Ang “political dolls” ng Barbie ay ibinebenta ng pares.
MOST READ
LATEST STORIES