Airports sa mga tourism spots kailang ng dagdag pondo – Zubiri

METRO MANILA, Philippines — Ipinanawagan nitong Martes ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang karagdagang pondo para sa Department of Transportation (DOTr) upang mapabilis ang pagsasa-ayos ng airport sa mga tourist destination.
Partikular na binanggit ni Zubiri ang dapat na pagpapaganda ng airport sa Camiguin at Siargao at ng El Nido at Coron sa Palawan.
Sinabi ni Zubiri na maaantala ang konstruksyon sa Camiguin Airport kung hindi madadagdagan ang pondo, samantalang kailangan na gastusan agad ang pagpapahaba ng runway sa airport ng Siargao para sa mas malaking eroplano.
BASAHIN: Malinis na banyo sa mga Tourist Rest Area ipinangako ni Marcos
“Kung makahanap tayo ng budget, magbigay din tayo ng dagdag doon sa Camiguin at dagdagan din natin ‘yung sa airport ng Siargao,” sabi ng senador.
Sinabi niya na sa pagpa-plano para sa turismo dapat ay magkaroon ng ugnayan ang DOTr at Department of Tourism (DOT).
Ayon kay Zubiri, kung madadagdagan ng isang milyon ang mga banyagang turista sa bansa at ang bawat isa ay gagastos ng $1,000, ito ay karagdagang $1 bilyon sa ekonomiya ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.