Malinis na banyo sa mga Tourist Rest Area ipinangako ni Marcos
PAG-ASA ISLAND, Kalayaan Island Group, Palawan — Patuloy na magtatayo ng Tourist Rest Area (TRA), na may mga malinis na banyo, sa mga popular na destinasyon sa bansâ, sabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes, ika-7 ng Mayo.
Ito aniya bahagi ng plano ng gobyerno na mapalakás ang turismo sa Pilipinas.
Sa pagpapasinaya ng TRA sa Pagudpud, Ilocos Norte, sinabi ni Marcos na kailangan nang paigtingin ng husto ang mga programa upang maging kanais-nais sa mga turista ang pagbisita sa bansa.
Bunsód na rin ito ng ginagawang pagpapalakás ng ibang katabing bansâ sa kanilang turismo gaya ng Vietnam, Thailand at South Korea.
BASAHIN: Kakapusan ng health facilities sa tourist spots bubusisiin ng Senado
BASAHIN: Nancy Binay natuwa sa suporta ni Marcos sa Pinoy street food tourism
Ayon pa kay Marcos, hindi lamang mga magagandang beach ang aspeto na magsusulong sa turismo kundi maging ang ginhawa sa pagbiyahe.
Ang bawat TRA ay magbibigay ng pangunahing serbisyo at mga pasilidad sa mga turista gaya ng information center, malinis na palikuran, charging stations, at maging lounge kung saan maaring magpahinga.
Lalalgyan dinng pasalubong center ang bawat TRA kung saan naman maipapakita ang pagiging malikhain ng mga Filipino sa pamamagitan ng mga maliliit na negosyante.
May nabuksan nang mga TRA sa mga lugar na ito:
- Roxas, Palawan
- Medellin, Cebu
- Carmen, Cebu
- Carcar, Cebu
- Moalboal, Cebu
- Dauis, Bohol
- Manolo Fortich, Bukidnon
- Island Garden City of Samal, Davao Del Norte.
Samantala, inaayos na ang TRA sa Baguio City.
May 22 na mga TRA pa ang bubuksan sa mga probinsiyang ito:
- Bulacan
- Sultan Kudarat
- Negros Occidental
- Camarines Sur
- Surigao Del Norte
- Palawan
- Antique
- Iloilo
- Guimaras
- Albay
- Batangas
- Camarines Sur
- Leyte
- Eastern Samar
- Mountain Province
- Pangasinan
- Batanes
- Bohol
- Tawi-Tawi
- Misamis Oriental
- Sulu
- Zamboanga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.