Nagpahayag ng pagkadismaya ang Simbahang Katolika kasunod ng kaliwa’t kanan na mga biktima ng summary execution na natatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Fr. Amado Picardal, ng Council of Society for the Study of Religion (CSSR) at isang human right advocate, ikinalulungkot nila ang mga extra judicial killings ngunit mas nakababahala umano ang reaksyon ng publiko kaugnay dito.
Kinuwestyon din ni Fr. Picardal, ang pananahimik, lalo na nag pagsang-ayon ng publiko sa mga pagpatay na ito.
Aniya, nagmimistulang wala ng halaga ang buhay ng isang indibidwal, mabuti man o masama.
Ito aniya ang kanilang ikinababahala dahil walang tumututol dito.
Hindi rin anya matitigil ang mga ganitong uri ng karahasan at lalo lamang lalala ang problema.
Matatandaang ikinaalarma na ng Simbahan ang pagtaas sa bilang ng mga napapatay, na tila ipinagkikibit balikat lang umano ng publiko at tinatrato lamang na parang normal.