P1.77B halaga ng illegal drugs susunugin sa Cavite

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Nakatakdang sunugin ngayon araw sa Integrated Waste Management sa Brgy. Aguado Trece Martires, Cavite ang aabot sa P1.77 billion na halaga ng illegal na droga.

Binubuo ito ng mahigit 400 kilograms ng illegal na drugs na nasabat sa iba’t ibang operasyon na isinagawa ng mga otoridad.

Nasa magkakahiwalay na bag at malalaking maleta ang mga drugs na nakatakdang sunugin.

Maliban sa shabu na nasa P1.6 billion ang halaga, kasama din sa mga susunugin ang liquid shabu na nagkakahalaga ng P95 million, cocaine na nagkakahalaga ng P11 million, ketamine na nagkakahalaga ng P15,000, marijuana na nagkakahalaga ng P1 million, ephedrine na nagkakahalaga ng P14,598, pseudoephedrine na nagkakahalaga ng P4,143 at mga expired na gamot.

Kasama na sa susunugin ang mga nahukay na shabu kamakailan sa Claveria, Cagayan.

Bago sunugin, isa-isa munang susuriin ng mga eksperto ang mga illegal na droga.

 

Read more...