Kinumpirma ni Sec. Christopher “Bong” Go ng Presidential Management Staff na makakaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 12 Pilipinong atleta bago sumabak sa 2016 Rio Olympics.
Nakatakdang maganap ang paghaharap ng mga pambato ng Pilipinas sa Rio de Janeiro at ng pangulo sa July 18 sa Malacañang.
Ngayon lamang ulit haharapin ng pangulo ng bansa ang mga atletang sasabak sa Olympics mula noong termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ang nasabing Philippine Olympic team ay binubuo ng mga swimmers na sina Jasmine Alkhaldi at Jessie Khing Lacuna, hurdler na si Eric Cray, mga boksingerong sina Rogen Ladon at Charly Suarez, at ang mga weightlifters na sina Nestor Colonia at Hidilyn Diaz.
Kasama rin ang long-jumper na si Marestella Torres, marathoner Mary Joy Tabal, Ian Lariba para sa table tennis, Kristie Elaine Alora para sa taekwondo at ang golfer na si Miguel Tabuena.
Ayon kay Philippine Olympic chef de mission Joey Ramasanta, malaking bagay at tiyak na makakapag-pataas ng kumpyansa sa mga manlalaro ang mga words of encouragement mula kay Pangulong Duterte.
Bukod sa courtesy call sa pangulo, magkakaroon rin ng grand send-off ang mga Pinoy athletes sa July 22 bago sila umalis patungong Rio para sa Summer Games na gaganapin sa August 5-21. ap ng mga pambato ng Pilipinas sa Rio de Janeiro at ng pangulo sa July 18 sa Malacañang.