Tunay na utak ng Paris attacks, natukoy na

 

Natukoy na ng mga French authorities kung sino talaga ang utak ng mga pag-atakeng naganap sa Paris, France noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Base sa mga inilabas na dokumento na nagsa-saad ng mga testimonya ng head of external security ng France na si Bernard Bajolet, lumalabas na hindi ang napatay na suspek ng mga pulis na si Abdelhamid Abaaoud ang utak ng nasabing terorismo.

Hindi naman pinangalanan o diretsahang tinukoy ni Bajolet kung sino na ang alam ng mga otoridad na pinuno ng nasabing pag-atake, maging kung buhay pa ba ito o hindi na.

Unang natukoy si Abaaoud bilang lider ng mga pamamaril at pambo-bomba sa Paris kung saan 130 ang nasawi.

Ang tiniyak lamang ni Bajolet, totoong isa sa mga suspek si Abaaoud ngunit isa lamang siyang coordinator at hindi commander.

Bagaman alam na nila aniya ang pagkakakilanlan ng pinuno ng mga teroristang umatake, mananahimik na lang aniya siya tungkol doon.

Dagdag pa dito, sinabi rin ni Bajolet na mayroong progress sa imbestigasyon ng kanilang mga otoridad.

Read more...