Resignation ni David Cameron, tinanggap na ni Queen Elizabeth

 

Opisyal nang tinanggap ni Queen Elizabeth II ang resignation ni David Cameron bilang prime minister ng Britain.

Sa isang pahayag, sinabi ng communications secretary ng palasyo na bumisita si Cameron kay Queen Elizabeth, Miyerkules ng gabi at doon tinanggap na niya ang pagbi-bitiw ni Cameron sa pwesto bilang prime minister at first lord of the Treasury.

Tumungo si Cameron sa Buckingham Palace bago bumisita si Theresa May upang makumpirma na ang kaniyang pagiging bagong British Prime Minister.

Bago ito, magaan sa loob na nagpaalam si Cameron sa parliament.

Si May ang ikalawang babae na maninilbihang British Prime Minister, sunod kay Margaret Thatcher.

Read more...