Jimmy Bondoc pumalag sa bashers matapos italaga sa PAGCOR

 

Inquirer.net/FB

Dinepensahan ng singer na si Jimmy Bondoc ang pagkaka-talaga sa kaniya bilang assistant vice president (AVP) for entertainment sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Sa kaniyang post sa Twitter, sinabi ni Bondoc na isang masugid na taga-suporta ni Pangulong Duterte na malapit na ang opisyal na panunungkulan niya sa nasabing posisyon pero nagsimula na rin siya sa trabaho.

Aniya, hindi na lang niya pinapansin ang mga taong kumukwestyon sa pagkakatalaga niya, bagkus ay naniniwala siya na ipinagkaloob sa kaniya ng Diyos ang talento niya sa entertainment.

Gamay na niya aniya ang industriyang ito at handa pa siyang matuto at pag-aralan ang iba pang mga bagay na kailangan niyang malaman.

Dagdag pa ni Bondoc, natanggap na siya sa PAGCOR kaya sana ay matanggap na rin ito ng mga bumabatikos sa kaniya.

Bukod kay Bondoc, una na ring naitalaga ang kapwa niya entertainer na si Arnell Ignacio bilang AVP for community relations and services naman sa PAGCOR.

Read more...