Tulad ng China, apektado rin ang Taiwan sa inilabas na desisyon ng UN arbitration tribunal na pumabor sa karapatan ng Pilipinas sa mga teritoryo natin sa South China Sea.
Bagaman magkalaban din, pareho lang ng inaangkin na teritoryo ang China at Taiwan, kung saan nakaagaw rin nila ang Pilipinas at Vietnam.
Matatandaang ang desisyon ng UN ay pumabor sa Pilipinas na nagpapatibay sa pagmamay-ari natin sa Spratly Islands.
Dahil dito, sinabi ni Taiwanese President Tsai Ing-wen na ang nasabing desisyon ay labis na nakapaminsala sa kanilang mga karapatan.
Hindi rin nagpatinag ang Taiwan sa ruling dahil nagpadala pa sila ng barko sa South China Sea para magpatrulya, na tinukoy ni Tsai na kumakatawan sa kanilang paninindigan para depensahan ang kanilang teritoryo.
Ayon pa sa Ministry of National Defense ng Taiwan, patuloy silang magpapadala ng mga eroplano at barko sa South China Sea para patuloy ring protektahan ang kanilang soberanya.