Nais ni bagong talagang National Antipoverty Commission chief Liza Maza na muling pag-aralan ang umiiral na Conditional Cash Transfer Program.
Ito ay upang matiyak na hindi naabuso ang naturang programa at maisama na rin dito ang posibilidad na magkaroon ng proyektong pangkabuhayan para sa mga mahihirap.
Isa aniya sa mga dapat na matiyak ay ang posibilidad na nagagamit ang proyekto sa ‘patronage politics’.
Bagamat dati aniya ay hindi siya pabor sa CCT program, sa ngayon handa siyang ayusin ito upang mas mapakinabangan ng mahihirap na mamamayan.
Hindi aniya magiging sapat ang pagbibigay ng pera sa mga mahihirap upang umasenso ang kanilang buhay.
Dapat aniyang magkaroon ng ‘livelihood component’ o kabuhayan ang mga ito upang magkaroon ng ‘sustainable income’ ang mamamayan.