Resolusyon para sa Barangay at SK elections, inilabas na

 

Inquirer file photo

Nagbigay ng paalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga nagbabalak tumakbo sa brangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Base sa inilabas na Resolution No. 10151 ng COMELEC, itinakda nila ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) ng mga tatakbo sa barangay at SK elections sa October 3 hanggang 5 lamang.

Kaugnay nito, mabibigyan rin lamang ang mga kandidato ng mula October 21 hanggang 29 upang mangampanya.

Paalala rin ng COMELEC, iiral na sa kasagsagan ng campaign period ang mga pagbabawal tuwing ganitong panahon tulad ng pamimigay ng mga donasyon, paggamit ng mga armadong sasakyan, maging ang pagsasagawa ng mga konstruksyon sa mga kalsada at iba pa.

Gayunman, hindi naman pagbabawalan ang pagkakaroon ng mga pagpupulong sa barangay o kaya ng mga kandidato.

Magkakaroon rin ng gun ban sa kasagsagan ng election period na magsisimula October 1 hanggang November 7.

Read more...