2 drug suspects patay sa Bataan

 

File photo

Patay ang hinihinalang mga tulak ng iligal na droga matapos maka-engkwentro ang mga otoridad sa Dinalupihan, Bataan, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga ito na sina David Cayanan na isa sa mga nasa drug watch list ng bayan, at Arnel Cayanan.

Pinagbabaril umano ng mga ito ang mga pulis sa isang drug buy bust operation na nauwi sa enkwentro na kanila ring ikinasawi.

Nasugatan naman dahil sa insidente ang isa sa mga pulis na si PO1 Cristobal, kaya dinala na siya sa Bataan Peninsula Hospital upang malapatan ng lunas.

Read more...