Ayon sa ahensya kabilang sa mga unliquidated funds ng CCT ang mga naipamahagi sa mga mahihirap sa pagitan ng 2008 hanggang 2015.
Ayon sa COA report, nasa P1.579 bilyon ang hindi naman nagagalaw at nakatengga lamang sa isang bank account sa Landbank of the Philippines.
Nasa 400,000 accounts naman na binuksan para sa mga mahirap na benepisyaryo ang hindi rin kinubra ang kanilang pera batay pa rin sa ulat.
Para sa 2015, nasa 22.28 porsiyento lamang ng P562.milyon ang naipamahagi sa mga benepisyaryo.
Ang naturang proyekto ay pinangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang bahagi ng ponding ginamit ditto ay mula sa mga foreign loans.
Noong nakaraang taon, sa ilalim ng administrasyong Aquino, nasa pitong foreign loans na umaabot sa P90.03 bilyon ang inutang ng Aquino administration upang pondohan ang limang proyekto, kabilang na ang CCT program.